MINSAN MAHIRAP
Minsan mahirap sabihin ang tunay na nararamdaman. Mahirap ipikit ang mata kung may nais kang makita.Mahirap kalimutan ang mga bagay na ayaw mong kalimutan. Pero ang pinakamahirap na gawin ay ang palayain siya kahit na alam mong gusto mo siyang manatili.
KOMPLETO NA BUHAY KO
Hindi mo naman kailangan pang sabihin na mahal mo ako. Minsan isang matamis na ngiti lang galing sa magaganda mong mga labi ay sapat na para makumpleto ang buhay ko.
PINAGLABAN LANG KITA
Sabi nila kalimutan na kita. Sabi nila maghanap na ako ng iba. Masasaktan lang daw ako kase ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko naman, mas gugustuhin ko pang masaktan nang lumalaban kesa sa masaktan dahil sa panghihinayang na hindi kita pinaglaban.
MATATAG AKO
Sabi nila matatag daw ako. Tama matatag ako dahil sa'yo. Pero isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko eh. 'Yon ay ang mawala ka sa piling ko.
NILIKHA AKO
Ang puso ko ay tumitibok para sa'yo. Ang labi ko ay ginawa para mahalikan ka. Ang mga mata ko ay ginawa para makita ka at mga kamay upang mahawakan ka. Bakit ganon? Siguro dahil nilikha talaga ako para mahalin ka.
UR MY LYF
Kung papipiliin ako between my life and you. I'll choose my life. Alam mo kung bakit? Because you are my life.
PANGAKO
Ang pag-ibig ay parang isang pangako. Kailangan mo itong tuparin at kahit anong mangyari, hindi mo ito pwedeng kalimutan.
MAHAL PA KITA
Nafeel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na siya. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos isang araw nagkita kayo, ngumiti siya sayo at bigla mong nasabi. "Anak ng! Mahal ko pa pala tong taong to."
IMPORTANTE
Sa buhay natin, may mga importanteng tao tayong hinahanap. Napakaswerte ko at nakita ko na ang pinakaimportanteng tao para sa akin. "Ikaw"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento